San Isidro
BRG-012 ActiveAgricultural barangay known for vegetable farming
Barangay Statistics
2,604
Population
412.50
Land Area (ha)
7
Puroks
7
Sitios
Address
San Isidro, Roxas, Oriental Mindoro
Barangay Hall Address
N/A
Notable Landmarks
Facilities & Infrastructure
History & Background
Ang Barangay San Isidro na dating kilala sa tawag na Sitio Tikling na noong 1930 hanggang 1940 ay nasasakupan pa ng Brgy. Paclasan. Ang Paclasan sa mga panahong ito ay nasa pamamahala pa ng bayan ng Mansalay. Bago ito tinawag na San Isidro, tinagurian din itong Sitio Tubigan. Pangunahing mga pamilyang nagbukas dito ay Cusi, Dimatulac, Pura, Durado, Fajilagao, Fabella, Tabas, Olarte at Valencia na galing sa mga probinsya ng Batangas at Romblon. Noong 1948, narehistro ito bilang isang ganap na barangay at mula noon ay tinawag ng Brgy San Isidro na kinuha sa pangalan ng Patron na si San Isidro De Labrador. Sa panahong ito ay sumailalim na ito sa pamamahala ng bayan ng Roxas. Unang nahalal na Tinyente Del Barrio sa pamamagitan ng taasan ng kamay ay si G. Dionisio Perez. Pagpasok ng 1950 hanggang 1960, nahalal na Tinyente Del Barrio si G. Felix Olarte. Nakaranas ang lugar sa panahong ito ng isang napakalakas na bagyo (Wanda) na puminsala na malaki sa kanilang kabuhayan. Muling nagkaroon ng halalan at nanalo si G. Benjamin Faustino at pinalitan naman ni G. Dominador Reyes. Taong 1960 hanggang 1970, naitayo sa lugar ang isang pansamantalang Barangay Hall at isang Simbahang Katoliko na yari sa kahoy. Nagkaroon na rin ng pagpapalawak ng kalsada sa mga pangunahing daanan. Sa panahong ito, muling nakaranas na naman ang mga mamamayan ng isang malakas na bagyong (Aning) nagdala ng isang malaking baha na sumira ng malaki sa kanilang pananim at ari-arian. Samantala, nahalal naman si G. Feliciano Gadong bilang Kapitan Del Barrio na hinalinhan naman ni G. Ernesto Faina. 1970 hanggang 1980, nagkaroon ng martial law at kasabay nito ay nabuo ang Samahang Nayon sa barangay sa ilalim ng programang Masagana 99. Isang matingkad na pangyayari sa lugar na hindi nila malilimutan ay ang pagkapaslang sa kanilang Barangay Captain na si Ernesto Faina. Dagdag pa ditto ay ang pag-atake ng matinding tag-init at muling paghampas ng isang malakas na bagyong si Atang. Nagkaroon ng halalang pang- Barangay at pinalad na manalo si G. Pacifico Faina bilang Barangay Captain. Sa ilalim ng kanyang panunungkulan ay naging konkreto ang simbahang Katoliko, School Building at Barangay Hall. 1980 hanggang 1990, nanatiling Punong Barangay si G. Pacifico Faina. Sa panahong ito ay nagkaroon na ng IRA ang barangay. Ilang mga pagbabago sa lugar ay ang pagbubukas ng Elementary School, Brgy Road at paglalagay ng landmark sa mga boundaries. Nagkaroon na rin ng Day Care Center, School Building, Waiting Shed at mga Basketball Court. Isang matingkad na pangyayari sa maagang bahagi ng dekada 90 ay ang pagkamatay ng Brgy. Captain na si Pacifico Faina. Dahil ditto ay nahirang na OIC Brgy. Captain si Gng. Rosalinda Candido. Mula 1990 hanggang sa kasalukuyan, nanatiling Brgy. Captain ng lugar si Gng. Rosalinda Candido bagamat maraming halalan ang dumaan sa barangay. Sa ilalim ng kanyang administrasyon ay nagpatu.loy ang mga gawaing pang-kaunlaran sa pamayanan. Nadagdagan ang mga pasilidad tulad ng mga Patubig, Center, Konkretong Brgy. Road at iba pa. Isang matingkad na pangyayari sa lugar kaugnay sa pamamahalang pang-barangay ay ang pagkakaroon sa unang pagkakataon ng isang pagpa-planong pang-kaunlaran na dinaluhan ng iba’t-ibang sector na pinadaloy ng Kaagapay ng Mindoreño, Inc. (KAMI). Sa kasalukuyan, patuloy ang mga gawaing pang-kaunlaran sa lugar at ito ay masinsing ginagabayan ng Barangay at ng Pamahalaang Bayan.
Major Livelihood
Community Programs
Officials information not available
Contact Information
Quick Actions
Need More Information?
Contact San Isidro barangay office or our municipal services for assistance
Contact Municipality