San Jose
BRG-013 ActiveProgressive barangay with mixed agriculture
Barangay Statistics
3,860
Population
523.80
Land Area (ha)
0
Puroks
0
Sitios
Address
San Jose, Roxas, Oriental Mindoro
Barangay Hall Address
N/A
Notable Landmarks
Facilities & Infrastructure
History & Background
Ang Barangay San Jose ay kilala sa katawagang DALAHICAN. Sinabing ang lugar ay unang nabuksan noong panahon ng 1901 ng mga pamilyanmg Dizon na nagmula sa isla ng Panay. Sa panahong ito, ang lugar ay isang madawag pang kagubatan na pinaninirahan ng maiilap na hayop tulad ng baboy damo , buwaya, sawa, unggoy at iba pa. Dahil sa malamig nitong klima dulot ng mga punong kahoy ang lugar ay nagsilbing magandang tirahan at pangitlogan ng mga PAWIKAN sa mga panahong ito. Dahil dito, nakilalla ito at dinayo bilang isang lugar kung saan namumungad ang mga pawikan. Sa katagalan, tinawag ang lugar na dalahican. Ito ay hinalaw sa paulit-ulit na pangyayari ng pagtatanong kung nagkakasalubong ang mga tao na karaniwang tanong ay ano ang dala mo na karaniwang sagot naman ay dako? Pawikan Dahil dito, nakagawian ng tawagin ang lugar na Dalahican na hango sa salitang DALA at pinaikling IKAN. Unang nahalal na tiniente Del Barrio sa lugar ay si G. LUIS FAMINIAL na hinalinhan naman ni G. FELIX DE LEON, JR. hanggang noong dekada 50. 1960’s hanggang 1970’s, nabuksan sa kauna-unahang pagkakataon ang kalsada sa Brgy. San Jose at naitayo ang pinakaunang silid-aralan na may dalawang kwarto. Taong 1988-89, binansagang Catalino Dizon Memorial School (CDMS) ang paaralang elementarya sa barangay bilang pag-alala sa mga nagawang kabutihan ni G. CATALINO DIZON sa lugar. Taong 1996, naging kumpleto ang grade school sa CDMS. Nagkaroon na rin ng mga Health Center sa Sitio Dalahican, Botika sa Barrio at naipaayos ang Plaza sa mga panahong ito. Pagpasok ng 1999 hanggang 2002, nagkaroon ng elektripikasyon sa barangay, nagkaroon ng maayos at ligtas na inumang tubig at naipaayos ang mga kalsada. Nadagdagan din ang mga palaruan at sa kauna-unahang pagkakataon ay naisagawa sa lugar ang isang mapanlahok na paraan ng pagpaplano sa pinadaloy ng mga Namumuno sa Barangay .
Major Livelihood
Community Programs
Barangay Kagawads
Support Officials
Contact Information
Quick Actions
Need More Information?
Contact San Jose barangay office or our municipal services for assistance
Contact Municipality