San Mariano cover image

Barangay Statistics

5,513

Population

467.20

Land Area (ha)

8

Puroks

5

Sitios

Address

San Mariano, Roxas, Oriental Mindoro

Barangay Hall Address

N/A

Notable Landmarks

N/A

Facilities & Infrastructure

N/A

History & Background

Ang pangalang SAN MARIANO ay halaw sa pangalan ng unang naging Tenyente del Barrio sa lugar na si G. MARIANO BRIONES ESTARADA, SR. .Ito ay nabuksan noong 1925 sa pangunguna ng mga pamilyang Estrada, Suarez at Torrefiel na nagmula pa sa probinsya ng Aklan. Isa pang mapalad na kagubatan ang lugar sa panahong ito. Sa pagitan ng 1946 hanggang 1955n naging isang ganap na barangay ang lugar kung saan unang nahalal na Tenyente Del Barrio ay si G. Mariano Briones Estrada, Sr. Sa panahong ito, ang lugar ay dinaanan ng isang malaking baha sanhi ng bagyong si Wanda. Dahil dito, nagkaroong ng clearing din ng kalsada mula sa lugar hanggang San Rafael. Nagkaroon din ng pagkalat ng sakit na Malaria kung saan maraming buhay ang nasira. 1956 hanggang 1965, nahirang na Tenyente Del Barrio si G. Dioscoredes T. Estrada (1957) at ng magkaroon ng halalan ay napalitan naman ni G. Gregorio Ong. Si Gregorio Ong ay napalitan naman ni Leoncio Zabaldica, Sr. bilang Brgy. Captain sa sumunod na halala. Isa sa mga pagbabago sa lugar sa panahong ito ay ang pagkakaroon ng paaralang primarya at sekondarya at ang pagbubukas ng daan mula San Mariano hanggang San Vicente. Isang matingkad na karanasan ng mga tao sa mga taong ito ay ang pagkakaroong ng bagyong Aning kung saan maraming napinsala sa mga mamamayan. Pagpasok ng taong 1966 hanggang 1970, muling nagkaroon ng halalang pang-barangay at dito nahalal si Bernado Mijares bilang Brgy. Captain. Nagkaroon ng plaza, Health center at basketball court sa panahong ito. 1971 hanggang 1980, nahalal na Barangay Captain si G. Cleto T. Estrada Sr.. Nadagdagan ang mga pasilidad tulad ng Water Works, DENR, NIA, nagkaroon na rin ng konkretong simbahan at pribadong sementeryo. Pumasok na rin dito ang Foster Parent Plan. Sa panahong ito ay muli namang dinaanan ng malakas na bagyo (Atang) ang lugar. 1981 hanggang 1993, nadagdagan ang mga konkretong pasilidad tulad ng ispaltadong kalsada, tulay, palemgke, waitng shed at nagkaroong na rin ng daloy ng kuryente. Ang mga namuno sa barangay sa panahong ito ay sina: G. Cleto Estrada Jr., G. Ricardo Tamano (OIC) G. Jun Viduya (OIC), G. Sabino Anastacio (OIC) at G. Pepito Pagcaliwagan (Elected Brgy. Captain 1991-1993). 1993, nahalal na Brgy. Capatin si G. Jovito Estrada at ito ay nanungkulan hanggang 1997. Muling nadagdagan ang mga inprastaktura sa barangay. Nagkaroon ng pampublikong sementeryo, slaughter haouse, sementadong mga kalsada, Post Office, Day Care Center, Health Center at konkretong palengke. Sa panahong ito ay nagkaroong ng malaking pagbaha sa lugar sanhi ng pagkasira ng Dike sa San Rafael at dito ay ipinakita ng mga residente ang kanilang pagkakaisa sa pamamagitan ng sama-samang pagtatambak ng nasabing dike. 2000, nahirang na OIC si Brgy. Captain si G. Lolito Rejaba at siya ay nanungkulan hanggang 2002. Sa ilalim ng kanyang panunungkulan ay nagkaroon ng ilaw at bubong ang Plaza ( sa tulong ni Congressman Alfonso Umalu, Jr.), naitayo ang isa pang waiting shed at iba pang pasilidad. Isang matingkad na pangyayari sa lugar sa panahong ito ay ang pagkakaroon ng kampo ng Phil. Army kung saan ay naging daan para mabawasan ang krimen sa barangay. Sa kasalukuyan (2003) habang isinusulat ito, ang barangay ay pinamahalaan ng bagong halal na Barangay Captain na si G. Engracio A. Calaton.

Major Livelihood

PAGGAWA NG KAING, PAGSASAKA, PALAYAN, GULAYAN, PRUTAS

Community Programs

N/A

Barangay Captain

Ramel S. Emono

Ramel S. Emono

Barangay Chairman

Active

Barangay Kagawads

Reggie M. Mortel

Reggie M. Mortel

Kagawad

Active
Mark Bryan  M. Reyes

Mark Bryan M. Reyes

Kagawad

Active
Reggie F. Fabula

Reggie F. Fabula

Kagawad

Active
Engracio C. Calaton

Engracio C. Calaton

Kagawad

Active
Alfie R. Gabay

Alfie R. Gabay

Kagawad

Active
Ramy N. Gadon

Ramy N. Gadon

Kagawad

Active
Alicia F. Dominguez

Alicia F. Dominguez

Kagawad

Active

SK Chairman

John Laurence Ramos

John Laurence Ramos

S K Chairman

Active

Support Officials

Antonio E. Macahilig

Antonio E. Macahilig

Barangay Secretary

Active
Renato L. Lago Jr.

Renato L. Lago Jr.

Barangay Treasurer

Active

Need More Information?

Contact San Mariano barangay office or our municipal services for assistance

Contact Municipality