San Rafael
BRG-017 ActiveN/A
San Rafael
No cover image available
Barangay Statistics
2,145
Population
489.30
Land Area (ha)
0
Puroks
0
Sitios
Address
San Rafael, Roxas, Oriental Mindoro
Barangay Hall Address
N/A
Notable Landmarks
N/A
Facilities & Infrastructure
N/A
History & Background
Taong 1937, ang lugar ay isa pang virgin forest at naninirahan dito ang ilang mag-anak na Mangyan. Ilan sa mga ito ang nagtayo ng kubo sa tabi ng bukal Kinoli, isang malaking bukal na umaagos sa ilog Madugo. Ang karamihan namang mga Mangyan ay nanirahan sa baybayin ng isang ilog na ang tawag ay Baglao. Ang Baglao ay isang salitang Mangyan na ang ibig sabihin ay mga hayop na may sungay na karaniwang nakikita sa baybayin nito. Ang mga ito ay pinaniniwalaang mga Tamaraw at usa. Mula noon, ang mga tao lalo na ang mga mangangaso ay tinawag ang lugar na ito ng Baglao. Ang mga kinilalang Mangyan na unang nanirahan dito ay sina Ayag, ang pinuno ng Mangyan, Mat-gasu, ang unang kinilalang unang mandirigma ng tribu, Dawit at Ayno at kanilang mga asawa na sina Ayas, Aganay at Bulyat.
Noong 1939, dumating ang mga kristiyano sa lugar. Sila ay sina Andres Cabarrubias, ang kinilalang unang gobernador ng mga Mangyan, Ciriaco Manga, ang kinilalang pinakamahusay na mangangaso at si Simon Montimar, ang kauna-unahang tao na pinahirapan at pinatay ng mga sundalong hapon sa Baglao noong ikalawang digmaang pandaigdigan.
Noong 1943, isa pa uling pangkat ng mga kristiyano ang narahuyong manirahan sa lugar. Sila ay sina Francisco Candelario, ang kauna-unahang nagkaroon ng kalabaw kung kaya nagkaroon ng pinakamalawak na nalinis na lupa, Guillermo Alfaro, na nagkaroon ng asawang katutubo kaya’t siya ang humaliling gobernador ng mga Mangyan kay Andres Cabarubbias, Donato Macunat at Francisco Jarabe. Dahil sa pagdami ng tao, nagkaroon ng isang pamayanan sa baybayin ng Baglao at ito ay ginawang Sityo ng Baryo San Mariano. Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, ang Baglao ay dinayo pa ng maraming mga dayuhan dahil sa angking likas yaman nito. Ang pagdating ng mga dayuhang ito ang nagbigay sa Sitio Baglao ng isang pangyayaring naitala sa kasaysayan ng San Rafael. Sila ay sina Rafael Quidilla, ang District Forester ng Mindoro ng panahong 1950’s at Segundino Ballesteros, ang kauna-unahang naging Tiniente del Bario ng San Rafael, Raymundo Rios, Lorenzo Verzosa, David Yatco at ang kanilang mga pamilya.
Taong 1951, sa pamumuno ni G. Rafael Quidilla, ang Sitio Baglao ay nawalay sa San Mariano at naging isang ganap na Barangay. Ito ay tinawag na San Rafael mula sa pangalan ni Rafael Quidilla bilang pagkilala sa kanyang pagsusumikap na ito ay maging isang Barangay at bilang isa sa may pinakamalawak na lupain sa lugar.
Major Livelihood
N/A
Community Programs
N/A
Barangay Kagawads
Support Officials
Contact Information
Quick Actions
Need More Information?
Contact San Rafael barangay office or our municipal services for assistance
Contact Municipality