San Vicente cover image

Barangay Statistics

1,967

Population

423.70

Land Area (ha)

0

Puroks

0

Sitios

Address

San Vicente, Roxas, Oriental Mindoro

Barangay Hall Address

N/A

Notable Landmarks

N/A

Facilities & Infrastructure

N/A

History & Background

Ang Barangay San Vicente ay dating kilala sa katawagang TWAGA, isang salitang Buhid na ang ibig sabihin ay pinagtagpuan ng dalawang ilog, Ang mga ilog na ito ay ilog Twaga at Inundungan. Unang nanirahan sa lugar ay ang mga Tribung Buhid. Pagpasok ng maagang bahagi ng 1950’s, ang lugar ay dinayo ng mga pamilyang galing sa Panay at Tablas sa pangunguna nina Vicente Magarso, Guillermo Gan, Ramon Selosa, Policarpio Selosa, Jose Galabayo, Manuela Gadela, Antonio Quavez at marami pang iba. Noong 1959, naging barangay ang lugar at unang nahalal na Tenyente Del Barrio ay si Rufino Montoya. Sinundan ito ni Jose Magarso at Añana Arnaldo. Pagpasok ng taong 1969, muling nagkaroon ng halalan at ang naging Kapitan Del Barrio ay si Francisco Sadiwa. Siya ay pinalitan ni Salvacion Tatoy dahil sa kanyang pagkakasakit. Sa ilalim ng Martial Law, muling nagkaroon ng pagpapalitan ng pamunuan sa barangay. Namuno sa panahong ito ay si Anacleto Sonio na hindi lumaon ay hinalinhan ni Erlinda Ebardulaza. Hindi nagtagal, nalipat kay Teodolo Linga ang pamumuno dahil sa pagkakasakit ng dating Kapitan. Si Teodolo Linga ay hindi rin nagtagal sa kanyang pamumuno dahil ito ay sumakabilang buhay sa hindi inaasahang pangyayari. Kasaysayan ng Barangay San Vicente 1982, naging Officer-In-Charge si Donnie Magarso at ng nagkaroon ng snap election ay muling nahalal bilang kapitan. Noong 1984, pinalitan ang pangalang Twaga at ginawa itong Barangay San Vicente. Ang pangalang San Vicente ay hinalaw sa pangalan ni Vicente, Magarso bilang pagkilala sa mga kabutihan niyang nagawa sa pamayanan tulad ng pagbibigay niya ng lote para gawing bahayan. Noong 1989, nabuksan ang daan o kalsada mula San Mariano hanggang sentro ng San Vicente, at sa panahon ding ito ay namatay ang Kapitan na si Donnie Magarso. Dahil dito, nahirang na kapitan si Vicente Garao at nanungkulan hanggan 1997. Sa panahon ng kanyang panunungkaulan ay naipatayo ang Barangyhall, Bulwagang Tanghalan at Day Care Center sa Proper, at higit sa lahat ang 1st Batch ng Core Housing Project para sa mga nasalanta ng baha. Taong 1997, nagkaroon ng halalan at nanalo bilng kapitan ng barangay ay si Rodolfo Sadiwa. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, naitatag nabuksan ang FTMR mula sa Proper San Vicente patungong Quirao, at nabuksan din ang kalsada mula sa gilid ng ilog at sa panahon din ng kanyang panunugkulan. Nagkaroon ng pangalawa at pangatlong batch ng Core Housing Project. Nagkaroon ng daloy ng kuryente na pinasinayaan noong buwan ng Abril 2008. Isa siyang huwaran at itinuring na ama ng barangay, natapos lamang siya sa kanyang panunugkulan sanhi ng kanyang kamatayan noong ika-25 ng Enero, 2008, habang isinisilebra ang SIPAG FESTIVAL. Namatay siya sa panahon ng kanyang panunugkulan, at ang pangyayaring ito ay hinding-hindi malilimutan ng mga mamamayan ng San Vicente magpakailanman. Sa pagkamatay ni Kapitan Rodolfo I. Sadiwa, nahirang bilang bagong Punong Barangay si Ronel S. Sescar, bilang siya ang unang konsehal at na appoint naman na pampitong konsehal si G. Ramil Sadiwa bilang anak ni dating Kapitan Rodolfo I. Sadiwa. Masasabing baguhan lamang sa tungkulin si Kapitan Ronel S. Sescar subalit hindi agad matatawaran ang kanyang mga naisagawa sa maiksing panahon pa lamang ng kanyang panunungkulan.

Major Livelihood

N/A

Community Programs

N/A

Barangay Captain

Rigor R. Sadiwa

Rigor R. Sadiwa

Barangay Chairman

Active

Barangay Kagawads

Cherly G. Sescar

Cherly G. Sescar

Kagawad

Active
Ronnie I.  Faderog

Ronnie I. Faderog

Kagawad

Active
Joseph  F. Orencio

Joseph F. Orencio

Kagawad

Active
Baste H. Abon

Baste H. Abon

Kagawad

Active
Roger D. Sison

Roger D. Sison

Kagawad

Active
Rodel S. Sescar

Rodel S. Sescar

Kagawad

Active
Roderick O. Orencio

Roderick O. Orencio

Kagawad

Active

SK Chairman

Rene S. Sescar Jr.

Rene S. Sescar Jr.

S K Chairman

Active

Support Officials

Catherine R. Casidsid

Catherine R. Casidsid

Barangay Secretary

Active
Elizabeth F. Gado

Elizabeth F. Gado

Barangay Treasurer

Active

Need More Information?

Contact San Vicente barangay office or our municipal services for assistance

Contact Municipality