Cantil cover image

Barangay Statistics

1,245

Population

428.30

Land Area (ha)

0

Puroks

0

Sitios

Address

Cantil, Roxas, Oriental Mindoro

Barangay Hall Address

Barangay Hall Address

Notable Landmarks

Barangay Hall Address

Facilities & Infrastructure

Barangay Hall Address

History & Background

Sinasabing ang Barangay Cantil ay unang nabuksan noong bagong magkaroon ng ikalawang digmaang pandaigdig. Unang mga naninirahan dito ay sina BENITO GARFIN, GUILERMO MONTAÑO at CALIXTO CEPILLO. Nang pumutok ang ikalawang digmaang pandaigdig, dumating ang mga hapon sa lugar kung kaya marami sa mga tao ang nagtago sa kabundukan. Sa pananatili ng mga hapon sa lugar hanggang 1945 tinatawag nilang itong CANTIL. Matapos ang digmaan noong 1945, nabuksan ang mababang paaralan sa lugar. Halos kasabay nito ay nahalal na pinaka-unang Tiniente Del Barrio si G. HERMIGILDO TUPAZ. Isang matingkad na karanasan ng mga tao sa pagitan ng mga taong 1943 hanggang 1953 ay ang pagdaaan ng isang malaks na bagyong si WENDANG na sumira ng malaki sa kanilang mga ari-arian at panamin. Sumunod na nahalal bilang Teniente Del Barrio ay si G. ATANASCIO FABRIQUIER. 1953 hanggang 1963, nakumpleto ang elementary school hanggang Grade VI at nagkaroon ng simbahang katoliko. Nadagdagan ang mga daanan sa barangay,nagkaroon ng mga tulay at iba pang mga pasilidad. Nahalal na Kapitan Del Barrio ay si G. FEDERICO (PEDING) NAZARENO at sinundan ni G. BONIFACIO UMAPAS. Pagpasok ng 1964 hanggang 1973, nagkaroon ng konkretong paaralan sa lugar. Sa panahong ito ay malimit daanan ng baha ang barangay. Nahalal bilang Barrio Captain si G. ANDRES V. RECAYO. 1974 hanggang 1983, nagkaroon ng elektripikasyon sa barangay, nagpatuloy ang pangkonkreto ng paaralan at iba pang pasilidad. Isang problemang naranasan ng mga tao sa panahong ito ay ang pag-atake ng pesteng daga sa kanilang mga palayan. Pumasok din sa lugar ang Foster Parents na nakatulong ng marami sa mga tao. Sa panahong ito ay nanatiling Punong Barangay si G. ANDRES V. RECAYO at di nagtagal ay sinundan ni GNG. CECILIA G. EUSTAQUIO. Sa pagitan ng 1984 hanggang 1993, nagkaroon ng isang malaking pagbaha na sumira sa mga pananim at ibang mga imprastraktura sa lugar. Naitayo ang Water Works at nakumpleto ang elektripikasyon. Nadagdagan ang mga konkretong pasilidad tulad ng Barangay Hall, Barangay Plaza, Health Center, Waiting Shed at iba pa. Sa mga taong ito ay nahalal sina GNG. CELIA G. EUSTAQUIO. G. ANDRES V. RECAYO AT G. IRENEO EUSTAQUIO bilang Punong Barangay. 1994 hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang pagpapa-unlad ng barangay. Nagkroon ng Barangay Library, Konkretong kalsada, Health Center, Day Care Center, Barangay Hall, street lights at iba pang pasilidad kaugnay sa pagsasaka. Isang matingkad na pangyayari sa lugar kaugnay sa pamamahalang pang-barangay ay ang pagkakaroon sa unang pagkakataon ng isang pagpa-planong pang-kaunlaran na dinaluhan ng iba’t-ibang sector na pinadaloy ng Kaagapay ng Mindoreño, Inc. (KAMI). Sa kasalukuyan, patuloy ang mga gawaing pang-kaunlaran sa lugar at ito ay masinsing ginagabayan ng Barangay at ng Pamahalaang Bayan.

Major Livelihood

Barangay Hall Address

Community Programs

Barangay Hall Address

Officials information not available

Need More Information?

Contact Cantil barangay office or our municipal services for assistance

Contact Municipality