Victoria cover image

Barangay Statistics

2,345

Population

398.50

Land Area (ha)

0

Puroks

0

Sitios

Address

Victoria, Roxas, Oriental Mindoro

Barangay Hall Address

N/A

Notable Landmarks

N/A

Facilities & Infrastructure

N/A

History & Background

Ang lugar ay sinasabing dating Sitio Malagota na nasasakupan ng Brgy. Paclasan noong 1940. Ang mga unang pamilyang nanirahan dito ay Montesa, Gacilo, Montoya, Recto, Hindap, Mugoy at Mirasol na nagmula pa sa mga probinsya ng Romblon, Panay at Batangas. Noong 1945, ang lugar ay na-irehistro bilang isang ganap na barangay at tinawag na Barangay Victoria. Pinaniniwalaang ang katawagang Victoria ay halaw mula sa pangalan ng unang asawa ni Rufino Montesa Sr. na isa sa mga unang nanirahan sa lugar at naglaan ng lupa na gawing barangay site kung kayat may mga taong naingganyo na dito ay tumira. Sa panahong ito ay nagkaroon ng paaralan na may baitang 1 hanggang 3. Sinasabing ang barangay sa mga taong ito ay isa pang gubatan bagamat umiiral na ang sistemang kaingin. Ang unang naging Tinyente Del Barrio sa lugar noong 1945 ay si Ginoong Rufino Montesa at siya ay nanatili sa kaniyang posisyon hanggang dekada 60. Sa kanyang pamumuno ay lumaki ang popolasyon ng paaralan sapagkat isa ito sa mga unang paaralan sa nasasakupan ng barangay Paclasan. Noong 1950’s hanggang 1960’s, ang lugar ay sinalanta ng isang malakas na bagyong tinawag na Wanda. Dahil dito, ay nasira ang mga gusali at hindi na ito nanumbalik. Samantala nagkaroon na ng mga road widening at unti-unti na itong pinauunlad bilang isang barangay road. Pagpasok ng 1960 hanggang 1970, ang nahalal na Tinyente del Barrio ay si Pedro Paner at Marianito Saba Sr. Nagkaroon ng pagsasaayos ng silid aralan sapagkat ng panahong iyon ang silong ng bahay ng yumaong Rufino Montesa Sr. ang ginawang silid aralan pansamantala. Binuksan at nagkaroon ng pormal na daan patungo sa Sitio Proper. Sa kanyang pamumuno ay nagkroon ng basketball Court dahil sa kanyang ipinagkaloob na lupa. Nagkaroon na rin ng dagdag pang pasilidad tulad ng Basketball Court, tulay na kahoy. Lumawak na ang tubigan at nawala na ang gubatan. Noong 1970 hanggang 1980, naging Kapitan del Barrio pa rin si Marianito Saba Sr. subalit pinalitan ni G. Salvador Galicia. Sa pagkakataong ito ay nag-umpisang magdiwang ng kapistahan ang barangay at dahil dito ay nagkaroon konkretong simbahang katoliko sa lugar. Isang pangyayari na di malilimot ng mga tao sa panahong ito ay ang pagkagiba ng Barangay Market dahil sa pagdaan ng malakas na bagyong Atang. Nagpatuloy ang widening ng mga daan at pagpapatayo ng iba’t-ibang pasilidad. Samantala noong 1980, hanggang 1990 na kung saan ay nagkaroon ng EDSA Revolution, napalitan ang mga nanunungkulan sa barangay at nagkaroon ng halalan. Ang mga naitalang nanungkulan sa panahong ito ay ang mga sumusunod: Salvador Galicia, Iluminado Ilacio, Noel Saba, Teodolfo Casa at Eduardo Villamin. Naitayo ang pamilihang Nayon at nagkaroon muli ng mga dagdag pasilidad tulad ng paaralan, asphalting ng kalsada at paglalagay ng mga culvert. 1990 hanggang sa kasalukuyan, nahalal na Barangay Captain si G. Toedolfo Casa at napalitan naman ni G. Gemar Montesa. Nagkaroon ng pailaw sa lugar, Barangay Hall , Day Care Center (2), Health Center at iba pang mga pasilidad. Isang maipagmamalaki ng barangay sa panahong ito ay ang pagkakapili dito ng Provincial Governement bilang isa sa Pinaka Malinis at Luntiang Barangay sa buong Silangang Mindoro at ang pagkakapanalo nito sa Sentrong Sigla sa buong Region IV. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsusumikap ng mga mamamayan upang higit pang mapaunlad ang kanilang lugar. Muling naihalal bilang punong Barangay si Gemar C. Montesa, kung saan siya ay nahirang na ABC President at agad ay sinubok niya ang pumasok sa halalang pang local ay siya ay pinalad kung kaya’t ang kanyang termino bilang kapitan ay ipinagpatuloy ng kanyang unang kagawad na si Rolly G. Ojeras bilang Punong Barangay at hindi niya ito natapos sa kadahilanang siya ay nangibang bansa. Siya ay pinalitan ni Olympio F. Montano bilang OIC sa loob ng ilang buwan. Muling lumahok si Gemar C. Montesa sa halalang pambarangay at siya ay pinalad. Hanggang sa panahong ito, nabuksan ang mga kalsada na nag-uugnay sa mga sityo sa nasasakupan ng barangay, napailawan mula highway hanggang looban, labasan at niyugan, nagkaroon ng Barangay Pocket Park at napakonkreto ang bahagi ng Provincial Road.

Major Livelihood

N/A

Community Programs

N/A

Officials information not available

Need More Information?

Contact Victoria barangay office or our municipal services for assistance

Contact Municipality