San Aquilino cover image

Barangay Statistics

4,017

Population

200.00

Land Area (ha)

0

Puroks

7

Sitios

Address

Roxas Oriental Mindoro

Barangay Hall Address

San Aquilino Roxas Oriental Mindoro

Coordinates

Latitude: 14.000000
Longitude: 120.000000

Notable Landmarks

N/A

Facilities & Infrastructure

N/A

History & Background

Ang Barangay San Aquilino ay isa sa mga Barangay na matatgpuan sa bayan ng Roxas, Silangang Mindoro. Ito ay napapaligiran ng mga sumusunod na Barangay, sa hilaga nito ay ang Brgy. Victoria, Brgy. Sta Brigida naman sa gawing Timog, Odiong sa Sil.angan at San Miguel sa g awing kanluran. Ang lugar ay may kabuuang sukat na lupain na humigit kumulang na 492.4051 ektarya. Mula sa bayan ng Roxas, mararating ito sa pamamagitan ng tricycle, jeep at iba pa. Noong 1940-1950, ang magkakapatid na Malubay, Anastacio at Francisco Malubay at Juan Nacionales ang naunag tao sa Barangay. Nahirang na kauna-unahang Teniente del barrio si Ignacio Gaa at sinundan ni Zacarias Castillo. Ang iba pang mga unang tao sa barangay ay nagmula sa Batangas, panay, Romblon at Hilagang Luzon. Taong 1950 hanggang 1960 ang katawagan san Aquilino ay hango mula sa pangalan ni aquiline Dimatulac ito ay naging Barangay sa utos ng Japanese Commander na nakatalaga sa Bayan ng Mansalay. 1960 hangga ng 1970 si Thomas Dimatulac ay nag donate ng school site na may sukat na isang (1) ektaryang lupa. Ang pamumuno sa Barangay bilang teniente del barrio ay nalipat kay Francisco Closa mula kay Zacarias Castillo. Nagkaroon ng malakas na bagyong WANDA na nakapinsala ng malaki sa tao, 1962 nagkaroon ng kauna una-unahang Barangay eleksyon at napakilala rin ang land Reform Program sa Barangay. Nahirang na Teniente del Barrio si Jose Victoria mula 1962 hanggang 1962 at sinundan ni Saturnino Castillo para sa pamunuang 1964 hanggang 1972. 1970 hanggang 1980, nagkaroon ng Samahang Nayon ang mga magsasaka pati na rin ang mga guro at mga magulang ng mga mag aaral. Nahalal na Punong Barangay si Oscar C. Sison para sa taong 1972 hanggang 1981, Nagkaroon ng bagyong Atang at Bebing na lubhang nakapinsala sa mga pananim ang pagbaha na dulot ng mga ito.Nagkaroon ng trahedya sa araw ng kapistahan na nagbunga ng pagkamatay ng dalawang tao at pagkasugat ng marami. Ang pamunuan sa Barangay ay sinundan nina Francisco Malubay, Anacito Closa at Romy Fallena taong 1981 hanggang 1992, ditto nagkaroon ng Barangay Internal Revenue allotment (IRA). Pagpapalit ng pamunuan sa Barangay mula kay Esperanza Caringal Espiritu 1991 hanggang 1994 patungo kay Oscar C. Sison 1994 hanggang 1997, ditto sumulpot ng mga NGO’s at pagkakaroon ng matatag na kooperatiba at pagkakaroon ng ibat-ibang sekta ng relihiyon. 1997 hanggang 2002 ang Sangguniang Barangay ay pinamumunuan pa rin ni kapitana Esperanza C. espiritu na kung saan ang mga pag-aaring lupain ng Baarangay ay kanyang pinahihintulutan sa pangalan ng Barangay San Aquilino. Simula 2002 hanggang 2013, ang Barangay San Aquilino ay pinamumunuan ni kgg. Maria O. Boo na kung saan maraming mga proyektong panlipunan ang naisagawa tulad ng pagsasaayos ng Triangular Park at pagpapatayo ng Steet Light sa buong Barangay. Nagpatanim din ng mga bulaklak sa Municipal Road, pinipinturahanb ang Barangay Hall, Health Center, daycare Center at lahat ng waiting Shed ng Barangay. Pinailawan din ang mga sityong wala pang kuryente gaya ng sityo Looban,Amihan I patungong GK amihan at sitio Maligaya. Pagsemento ng kalsada simula National High-way patungong Iglesia ni Cristo at marami pang maliit na proyektong nagpapaunlad sa Barangay San Aquilino sa pangunguna ni Punong Barangay Maria O. Boo at buong Sangguniang Barangay. 2017 up to present ay nanungkulan si Hermis S. Catapang bilang kapitan at marami ding mga improvement pa ang naganap sa barangay San Aquilino.

Major Livelihood

Farmers

Community Programs

N/A

Barangay Captain

Hermis S. Catapang

Hermis S. Catapang

Barangay Chairman

Active

Barangay Kagawads

Abner J. Magpantay

Abner J. Magpantay

Kagawad

Active
Arnel C. Boo

Arnel C. Boo

Kagawad

Active
Dexter H. Manahan

Dexter H. Manahan

Kagawad

Active
Jennefer  G. Famisaran

Jennefer G. Famisaran

Kagawad

Active
Julius F. Fallena

Julius F. Fallena

Kagawad

Active
Niel M. Castillo

Niel M. Castillo

Kagawad

Active
Reagan E. Sapunto

Reagan E. Sapunto

Kagawad

Active

SK Chairman

Marvin D. Gacul

Marvin D. Gacul

S K Chairman

Active

Support Officials

Rhenelyn D. Manahan

Rhenelyn D. Manahan

Barangay Secretary

Active
Jocelyn M. Hipolito

Jocelyn M. Hipolito

Barangay Treasurer

Active

Need More Information?

Contact San Aquilino barangay office or our municipal services for assistance

Contact Municipality