Dangay
BRG-003 ActiveAng Barangay Dangay ay isang kapatagang Barangay na matatagpuan sa bayan ng Roxas, Silangang bahagi ng Oriental Mindoro. Ito ay napaliligiran ng mga sumusunod na lugar: Brgy Cantil sa Hilaga, Poblacion sa bahaging Kanluran at Tablas Strait naman sa gawing Timog at Silangan. Binubuo ito ng 7 Sitio: Ang mga ito ay Mangahan, Centrum, Complex, Bridgeville, Old Dangay, Iliwan at Jamindang. Ayon sa opisyal na talaan sa pamahalaang bayan ng Roxas, may kaubuuang 478.2312 ektaryang sukat ng lupain ang buong Barangay. Ang lugar ay tinatayang may layong kalahating (.5) kilometro mula sa bayan ng Roxas at mararating sa pamamagitan ng tricycle, at iba pang uri ng sasakyang pang-lupa.
Barangay Statistics
4,326
Population
478.23
Land Area (ha)
0
Puroks
0
Sitios
Address
Dangay, Roxas, Oriental Mindoro
Barangay Hall Address
N/A
Notable Landmarks
Facilities & Infrastructure
History & Background
Ang Barangay Dangay ay isang dating baryo na nasasakupan ng Mansalay bago naging ganap na bayan ang Roxas noong 1948. Sinabing ito ay naitatag ng mga pamilyang galing sa probinsiya ng Romblon. Noong panahong ito, naging Vice Mayor ng bayan ng Mansalay si G. Centurion Gara na isang taga Dangay. 1941 hanggang 1944, nanungkulan bilang Tiniente Del Barrio si G. Lope Famorcan at pinalitan siya ni G. Paul Gregorio na nanunungkulan bilang Tiniente del Barrio hanggang 1968. Sa mga panahong ito ay nahalal namang Vice Mayor ng Roxas si G. Florencio Taytay Sr. na isa ring resident eng Dangay. Pagpasok ng taong 1968, nahalal na Punong Barangay si G. Aparicio Mateong ngunit sa kasamaang palad ay namatay sa panahon ng kaniyang panunungkulan kung kaya pansamantalang hinalinhan ito ni G. Melicio Fedalan noong 1971 hanggang 1972. 1972, Nahalal naman si G. Diego Ibañez bilang Punong Barangay at siya ay nanungkulan hanggang 1976. Sa mga panahong ito ay nabuo ang isang samahan ng mga magsasaka na tinawag na Samahang Nayon sa ilalim ng programang Masagana 99. Pagpasok ng taong 1982, nahalal si G. Jesus Dela Cruz bilang Barangay Captain. Ang kaniyang panunungkulan ay tumagal hanggang 1994. Isang tampok na pangyayari sa panahong ito ay ang pagbaha sa lugar na nagdulot ng malaking pagkasira sa mga pananim, ari-arian at mga kalsada. Sa mga panahong ito , naging konkreto ang National Road at naisaayos ang mga Barangay Road. Pagpasok ng 1994, nahalal namang Barangay Captain si. G. Jose Cajilig. Sa ilalim ng kaniyang panunungkulan, nagkaroon ng elektripikasyon ang Barangay Plaza at nadagdagan ang imprastraktura sa Barangay tulad ng waiting shed, Barangay hall at Drainage. Nagkaroon din ng daungan sa Barangay 1996 hanggang 1997, nanungkulan si Gng. Ana Corpuz bilang Barangay Captain. Sa panahong ito ay nadagdagan ng isang school building sa pagtutulungan ng Foster Parents Plan, Sangguniang Barangay at Sangguniang Bayan. 1997, muling nagkaroon ng halalang pambarangay at nanalo si G. Johnell Siñel bilang Barangay Captain. Ganoon pa man nagbitiw ito at inilipat kay G. Patronilo Talamisan ang pamamahala ng Barangay. Sa ilalim ng kanilang panunungkulan ay nagkaroon ng pailaw sa mga langsangan at nailunsad ang programang “Clean and Green”. 1998 hanggang 2002, nanungkulan si G. Patronilo Talamisan. Muling nadagdagan ang mga pasilidad at imprastraktura sa lugar. Nagkaroon ng Farm to Market Road, Free Flowing, mataas na paaralan (MICVHS Extension) at naisaayos ang Seawall. Na rehabilitate din ang plaza sa ilalim ng kaniyang pamamahala. Isang tampok na pangyayari sa lugar sa panahong ito ay ng maisagawa sa unang pagkakataon ang isang mapanlahok na paraan ng pagpa-plano na ipinadaloy ng Kaagapay ng mindoreño Inc. sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Roxas at ng Pang-probinsiyang Pamahalaan. Taong 2002 hanggang nanungkulan si G. Ruben G. Gadon at sa mga panahong ito ay nabuksan ang Farm to market road sa Sitio Hamindang (Camarin area) hanggang kalinisan at Sitio Complex (Taytay area) narenovate ang Barangay Hall, nagkaroon ng kaniya kaniyang mesa ang mga kagawad. Naisagawa ang kalsada sa sitio manggahan (Gara to Sinel st.). Taong 2007 hanggang sa kasalukuyan ay nanunungkulan si G. Eddie T. Forca, ang MICVHS ay naging Dangay National High School, nagkaroon ng madaming supply ng tubig mula sa free flowing sa halos buong Barangay, nagkaroon ng sariling lote ang Old Dangay Daycare Center at Basketball Court sa pakikipagtulungan ng Kgg. Punong Bayan, Jackson, St Lights sa Sitio Old Dangay at Anastacio hanggang Sinel St., pagrerepair at paglilinis ng mga kanal, pagpapanatili ng kalinisan sa buong Barangay sa katunayan ang Barangay Dangay ay isa sa napili bilang panlaban sa National Sanitation Program at nanalo noong nakaraang taon. Lumaki ang koleksyon ng Barangay dahil sa masipag na paniningil sa mga establisyemento at mga negosyong nasasakupan ng Barangay. Nagkaroon din ng bakal na tulay ang Sitio Taboc (manggahan), Naging maayos ang sistema at napanatili ang kapayapaan sa buong Barangay sa pakikipagtulungan ng lahat ng mga opisyales kasama na ang mga Barangay Tanod, BHW’s, BNS’s. Nais ng pamunuang ito na mas dumami pa ang mga proyekto para sa ikauuunlad at ikabubuti ng buong Barangay.
Major Livelihood
Community Programs
Barangay Kagawads
Support Officials
Contact Information
Quick Actions
Need More Information?
Contact Dangay barangay office or our municipal services for assistance
Contact Municipality