Odiong cover image

Barangay Statistics

2,234

Population

542.60

Land Area (ha)

0

Puroks

7

Sitios

Address

Odiong, Roxas, Oriental Mindoro

Barangay Hall Address

N/A

Notable Landmarks

N/A

Facilities & Infrastructure

N/A

History & Background

Ayon sa naging panayam, ang mga unang naninirahan sa lugar ay mga Mangyan. Ang salitang Odiong ay hinalaw sa isang kwento ng isang palaso na ibinaon ng mga Mangyan sa banal na kahoy na ang ilalim nito ay nagsilbing libingan ng mga ito bago nilisan ang lugar. Noong 1905, binaggit na may tatlong (3) pamilya ang nagbukas ng lugar, ang mga ito ay sina Perpetua Democrata, Victorino Genabe at Santiago Pupa Sr. na pawing galing sa bayan ng Tablas, probinsya ng Romblon at batangas. Sa panahong ito, ang lugar ay isa ng malaking kagubatan pa na may malaking mga punong kahoy. Ang Lugar ay naging isang ganap na Barangay noong 1948. Ang unang namuno dito ay si G Victorino Genabe. Binanggit na noong pabahon ng ika-lawang digmaang pandaigdig, ang lugar ay napasok ng mga hapon at ang naging kublihan o taguan ng mga tao ay ang isang Sitio dito na tinatawag nilang Sitio Sinungayan. Ang mga sumunod na namuno na tinawag na Tenyente ng Barangay ay ang mga sumusunod, G. Fortunato Escondo (1948-1950) G. Crispulo Aquino (1950-1952) G. Jose Obrique (1952-1954), G. Lazaro Obrique (1954-1956). Ang mga unang naging paraan ng transportasyon ng panahong ito ay kalesa at wagon. Noong 1957, naitayo sa lugar ang isang pampublikong paaralan, ang Lucio Suarez Memorial School (LSM). Ang naging kapitan/Tenyente sa panahon ng 1956 ay si G. Delfin Villanueva, tumagal sya sa pamumuno hanggang 1964 at sumunod si G. Genaro Dalumpines (1964-1972). Pagpasok ng dekada 70, lumapad ang taniman ng palay sa lugar at kaugnay nito ay nabuo ang samahan ng mga magsasaka at tinawag na Samahang Nayon. Ito ay sa ilalim ng programang Masagana ’99 na ipinatupad ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos. Sa panahong ito, binaggit na napakalakas pa ng diwa ng pagtutulungan at bayanihan sa Barangay, partuicualr sa larangan ng pagsasaka. Isa sa nading matingkad nilang karanasan sa malaking kagutuman sa mamamayan. Taong 1972-1976 namuno naman si G. Gregprio Obrique umigting ang pulitika, naging Tenyente na si G. Juanito Suarez (1976-1984) , Taong 1984 tinawag na ng Barangay Captain na nag nanalo ay si G. Camilo Escondo na nilabanan sya hanggang 1988.Taong 1980, lalong dumami ang bilang ng mga pamilyang naninirahan sa lugar, ang mga ito ay nagmula naman sa Batangas, Quezon at Bicol. Dumami ang bilang ng mga sasakyan at nagkaroon din ng daloy ng elektrisidad sa lugar. Nagkaroon ng halalang pang Barangay at pinalad na nagkaroon din ng pagsigla ang komersyo dahil sa pagkaakroon ng mga commercial centers. Binaggit na sa panahong ito ay pinasok na rin ng mga Non Government Organization (NGO) ang lugar at Task Force Detainees of the Philippines (TFD) at PAFID. Pagpasok ng dekada 90, naging sementado, nagkaroon ng paaralan hanggang kolehiyo, (1) Hospital at (2) Health Center. Lalong umunlad ang sistema ng transportasyon dahil sa pagdagsa ng ibat ibang pampasaherong sasakyan. Nagkaroon na rin ng telepono ang ilang bahayan. Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsusumikap ng mamamayan sa pamamagitan ng Barangay Council upang maabot nito ang pangarap nilang kaunlaran para sa kanilang Barangay. Ang pamunuan ng Barangay ay walang tigil sa pagsusumikap na mapaunlad ang kaayusan at kaunlaran ng Barangay kayat taong 1989 nagkaroon na ng IRA ang Barangay sa pamumuno ni Barangay Captain Alejandro Jimenez hanggang 1994 ay umunlad ang Barangay at sa panahon ng Barangay Captain Eddie Villamin 1994-2002 ang Barangay ay nagkaroon ng Barangay Hall at Pocket Park,nagkaroon na rin ng koryente at 2002 hanggang sa nang iahalal si Barangay Captain Camilo G. Ferreira ng taong 2002 hanggang sa kasalukuyan ay malaki ang iniunlad ng Barangay Odiong, nagkaroon ng maraming Free Flowing sa bawat sitio nagkaroon ng Streetlight, sa isang planong pangkaunlaran dinaluhan ng ibat ibang sector na kaagapay ng Mindoreño, Inc. (KAMI). Sa kasalukuyan maraming nabuksan ng farm to Market Road, pagpapagawa ng mga toilet sa bawat sitio Pagbibigay ng mga bitamina ng mga bata. Taong 2009 naipagawa ang Daycare Worker na makikita sa Pocket Park. Hanggang sa ngayon ay patuloy ang gawaing pangkaunlaran kaagapay ang Barangay Captain, Barangay Kagawad at mga kasamang Barangay Opisyal at Pamahalaang Bayan ng Roxas.

Major Livelihood

Food Processing

Community Programs

N/A

Barangay Captain

Eva V.  Nartates

Eva V. Nartates

Barangay Chairman

Active

Barangay Kagawads

Julieta  F. Villanueva

Julieta F. Villanueva

Kagawad

Active
Camilo G. Ferreira

Camilo G. Ferreira

Kagawad

Active
Gerard C. Mendoza

Gerard C. Mendoza

Kagawad

Active
Pedro F. Taladtad Jr.

Pedro F. Taladtad Jr.

Kagawad

Active
Ernie P. Forio

Ernie P. Forio

Kagawad

Active
Romulo S. Quiatchon

Romulo S. Quiatchon

Kagawad

Active
Luis F. Reyes

Luis F. Reyes

Kagawad

Active

SK Chairman

Ella May V. Tarac

Ella May V. Tarac

S K Chairman

Active

Support Officials

Marlyn R. Galabayo

Marlyn R. Galabayo

Barangay Secretary

Active
Bernardo A. Pupa

Bernardo A. Pupa

Barangay Treasurer

Active

Need More Information?

Contact Odiong barangay office or our municipal services for assistance

Contact Municipality